Thursday, July 23, 2009

Araw - araw...

Ikinukundisyon ang sarili sa paggising ng tama sa oras para hindi mahuli sa trabaho pero minsan bigo pa din na makarating sa oras..

Nag iisip kung ano ang pwede na mabaon na pang ulam. Kapag walang binalot siguradong di makakakain sa oras..

Palaging pinaalalahanan ang sarili na bawat araw ay iba kesa kahapon. Kung may mangyayaring di kaaya aya, ang lahat ng yun ay bahagi lamang ng buhay..

Isinisiksik sa isipan na di dapat inaabala ang sarili sa mga bagay na mgpapasakit lang ng ulo at magiging sanhi lang ng kalungkutan..

Pilit kinukumbinsi ang sarili na okay lang ang lahat, kahit umiiyak ang kalooban dapat nakangiti pa din..

Iba’t ibang tao ang nakakasalamuha, iba’t ibang mukha. Dapat matandaan silang lahat para mas masaya ang buhay..

Pinaplano kung kaylan bibili ng bagong cellphone. Ilang beses nang binalak pero hanggang ngayon wala pa din..

Pinag-iisipan kung paano papagandahin ang design ng blog pero hindi maisingit dahil sa dami ng trabaho..

Pinipigilang alalahanin ang mga bagay na wala nang katotohanan ngayon. At unti – unting kinakalimutan ang mga bagay na kahit kaylan ay di na muling mangyayari..

Tinatanong ang sarili kung ano ba ang gusto sa buhay. Hanggang ngayon malabo pa din ang kasagutan..

Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kahit kaylan di talaga kami magtatagpo sa gitna. Dapat harapin ang katotohanan gaano man ito kasakit..

Araw araw tinitingnan ko ang aking buhay sa iba’t ibang aspeto, kung ano na ba ang nangyari, ang nagbago. Marami na ang nangyari, may magaganda meron din hindi. Pero kahit ano pa man, nasa atin na kung paano natin haharapin at tatanggapin ang mga ito. Narealize ko may mga bagay talaga na mahirap tanggapin, mga pagbabago na di agad natin kayang isaisip at isapuso. Na kung pipilitin natin ang sarili na gawin yun ay lalo lamang tayong mahihirapan. Kaylangan natin ng panahon para pag-aralang tanggapin ang lahat. Naisip ko din minsan kaylangan nating pakawalan ang isang bagay kahit gaano man ito kahalaga sa atin para maging malaya tayo, para maipagpatuloy natin ang ating buhay ng mas masaya at mas maayos gaano man ito kasalimuot..

3 comments:

  1. hello po...
    wla po ako msbi.. sobra kong nakkrelate s post nyo?... ba't kya ganon...hehehe
    kkatuwa po bashin mga post nyo, ky wish you more post to come...hehehe
    mgddrama lng po ako ng konti...hehehe
    thanks po kc npgkukwentuhan ko kau ng tungkol s buhay-buhay ko, slamat po s pakikinig, at pagbbigay ng advice.. dami ko natutunan s inyo. thanks po...bsta kung kelangan nyo po ng kausap at kelangan makinig s inyo, and2 lng po ako anytime...cge po, tma n ang drama bka maiyak n kau...hehehe... bsta more power po s blog nyo...hehehe...ingat po kau plge... god bless po... bsta tandaan nyo lng po s kabila ng lahat nand2 lng po c GOD, pamilya at mga kaibigan nyo, at 'AKO'... cge po...

    ReplyDelete
  2. c mam mich po 2... hehehehe... di ko po mlagyan ng pngalan, kya anonymous, pro ako po 2...hehehehe... cge po...

    ReplyDelete