Wednesday, May 12, 2010

Ang Kwento ng Buhay..

Ang buhay talaga madalas nakakatawa. Kung seseryosohin kasi ang lahat ng nangyayari baka mauwi lahat sa mental hospital. Siguro nga mapalad pa din ako dahil kahit paano sa kabila ng lahat nagagawa kong labanan ang lupit ng buhay, madalas kung hindi na kayang umiyak, dinadaan na lang sa tawa ang mga pangyayari.

Sabi ng mga kaibigan ko matatag daw ako, hindi basta ngpapatalo sa mga problema lalo na kung tungkol sa pera ang pag-aaksayahan ng panahon sa pag-iisip. Totoo yun. Para sa akin parte na ng bawat isa sa atin ang isipin kung paano yayaman kung medyo kapos sa buhay, kung kanino mangungutang o kung paano pag aabutin ang sweldo sa susunod na pay day. Abnormal lang siguro ang di iniisip ang mga bagay na yun. Katotohanan ng pagiging tao natin na kelangan natin ang panggastos para mabuhay. Pero ang gawing yun ang problema araw araw ay nakakasawang gawain.

Nakakatawa talaga ang buhay. Sa nangyayari sa akin ngayon, ito na lang ang inilalagay ko sa isip ko para maging madali ang lahat. Naisip ko, gaya ng palaging sinasabi ni Kuya Kim, ang buhay ay weder –weder lang. Talagang pana-panahon lang ang lahat…

Madalas ko maitanong sa sarili kung bakit ang lahat ay kelangang magbago. Minsan kasi hindi nakakatuwa ang mga nangyayaring pagbabago. Dumarating yung oras na nakakalimutan ka na ng mga taong mahal mo. Dati-rati masaya ka na kasama sila pero dumadaan din na nararamdaman mo may nagbago na sa pagsasamahan. Sino ba ang dapat sisihin?Minsan akala mo ganun ka kaimportante para sa isang tao pero sa dulo ng lahat akala mo lang pala yun. Dati andyan lang siya sa tabi mo, handa kang samahan at makinig sa mga kwento mo kahit hanggang madaling araw pero magigising ka na lang sawa na pala siya sa istorya ng buhay mo. At madalas kong maisip ngayon buti pa yung dati. Alam ko kasi nun na nararamdaman nya kung malungkot ako at kelangan ko ng kausap. Kung kelangan ko ng katawanan, kalokohan, kaiyakan alam ko maasahan ko siya.

Masakit nga pala na mabalewala ka ng isang tao, kahit pa sabihin mo sa sarili mo na naiintindihan mo siya. Ang buhay nga naman. Minsan hindi mo namamalayan kung sino pa yung taong pinakamalapit sa iyo siya yun madalas mo hindi mapansin, madalas mabalewala, madalas makalimutan, madalas masaktan. Ang masakit, ganito talaga ang buhay..

Minsan gusto kong magwala, sumigaw at ilabas lahat ng gusto kong sabihin sa mundo. Pero alam ko din mas marami pang tao dyan ang mas gustong murahin ang mundo kesa akin, alam ko may mas matindi silang dahilan kesa akin. Kaya nga kahit ganito ako ngaun, sabi nga nila, nakakatawa pa. Sa buhay kasi, alam ko kung may nawawala, meron din dumarating. Ang mahalaga lang dapat marunong tayong mghintay at magtiwala.

Hindi pa tapos ang kwento kong magulo, hindi pa tapos ang kwento ng buhay. Sana bukas iba naman ang ihip ng hangin para mas masaya..

2 comments:

  1. Hehehe! Si mam talaga oh.. Ok lang yan mam! Atleast we are still capable of resisting those things.

    ReplyDelete
  2. hehehe,sabi ko nga!at least nahinga p tau kahit polluted n ang air s paligid,hehehe..lapit na pasukan..

    ReplyDelete